top of page

TUNAY NA STORYA KAUGNAY SA 80-ANYOS NA LOLO NA IKINULONG DAHIL SA PAGNANAKAW UMANO NG MANGGA

Lerio Bompat | iNEWS | January 24, 2022


Photo Courtesy: ABS-CBN


Cotabato City, Philippines - Sa sariling pag-iimbestiga ni Lacson sa bayan ng Asingan nitong Huwebes, nalaman niya na hindi lang ang 80-anyos na si Lolo Floro ang biktima sa kasong ito. Aniya kung ang huli ay biktima ng kahirapan, sa kabilang banda naman biktima rin ng sitwasyon si Robert Hong na caretaker ng lote kung saan sinasabing kinuha ang mangga.


Si Hong ang naghain ng reklamo laban kay Floro dahil sa umano’y pagnanakaw niya ng tatlong sako ng mangga noong Abril 2021. Matapos mag-viral ang pag-aresto at pagkulong kay Floro, kinailangan niyang magtago at hindi makapaghanapbuhay dahil sa pambu-bully na binato sa kanya ng mga blogger at netizen.


Si na Lolo Narding at Robert ay parehong biktima.


Batay sa inisyal niyang pag-iimbestiga, ibinenta umano ni Floro sa talipapa ang tatlong sako ng mangga na kanyang kinuha sa lote na binabantayan ni Hong.


Ayon pa sa mambabatas, maging ang Public Information Office ng Asingan ay humingi ng paumanhin kay Hong dahil sa pamba-bash na natanggap nito online.


Paalala niya sa publiko, dapat matuto ang lahat sa pangyayaring ito at huwag agad manghusga at magtapon ng masasakit na salita sa ibang tao, lalo na sa social media.


Sinabi pa ng presidential candidate na ang nangyari kay Floro ay representasyon ng hustisya sa Pilipinas, kung saan ang mga nagnanakaw dahil sa pangangailangan ay agad naparurusahan ngunit ang mga suwapang na magnanakaw na mayaman, may kapangyarihan, o nasa pamahalaan ay nakalalaya at nabibigyan pa ng espesyal na trato tulad ng police escort.


Para maitama ito, kinakailangan umanong ayusin ang gobyerno na itinuturo niya ring dahilan ng ating mga problema upang mabago ang kaisipan ng taumbayan. “Alisin ang katiwalian sa gobyerno nang sa ganoon ‘yung mga mamamayan maging mapagtiwala o kaya irespeto ‘yung ating government,” aniya.


16 views
bottom of page