top of page

TURISMO SA LUNGSOD NG ZAMBOANGA, BINUKSAN NA

Amor Sending | iNEWS | November 22, 2021

Photo courtesy : City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Matapos isailalaim ang Zamboanga City sa Alert Level 3 noong ika-labing pito ng Nobyembre, pinapayagan nang muli ang leisure travels sa lungsod ng Zamboanga-


Ayon kay City Tourism Officer Sarita Sebastian, magsisimula nang tumanggap ang lungsod ng mga turista basta't susundin ng mga ito ang entry requirements na itinakda sa ilalim ng Executive Order 691-2021 na inilabas ng lokal na pamahalaan.


Kabilang sa mga entry requirements para sa leisure travels ng mga fully vaccinated na indibidwal ay ang: vaccination card, round trip ticket, kumpirmadong booking sa DOT-accredited na accomodation, travel itinerary, at aplikasyon para sa S-Pass.


Pinapaalalahanan naman ang mga turista na magmumula sa mga lugar na may mas mataas na alert level status na kinakailangang magsumite ang mga ito ng negatibong antigen test result sa loob ng apat-napung walaong oras mula sa pagkakakolekta ng specimen.


Para naman sa mga unvaccinated na indibidwal o sa mga hindi panakukumpleto ang kanilang dose ng bakuna, kinakailangang magsumite ng mga ito ng negatibong RT-PCR test result.

Papayagan din ang mga staycation scheme para sa ganap na nabakunahan na mga indibidwal sa DOT-accredited establishments.


Positibo naman si City Tourism Officer Sarita Sebastian na sa kabila ng pagluluwag sa iilang covid-19 restrictions sa lungsod, ang mga residente at mga establisyimento na nakatuon sa turismo ay magtutulungan upang sumunod sa mga regulasyon sa ilalim ng alert level.

14 views
bottom of page