top of page

TUTUTUKAN NG MAGUINDANAO DEL NORTE PPO

Tututukan ni Maguindanao del Norte Provincial Police OIC, Police Colonel James Gulmatico ang pagsugpo sa lahat ng uri ng krimen, iligal na droga at pagbuwag ng private armed group sa probinsya. Gumugulong na rin ang pahahanda ng otoridad sa probinsya para sa nalalapit na Barangay at SK elections


Pansamantalang pamunuan ni PNP BARMM Deputy Regional Director for Operations, PCol James Gulmatico ang bagong tatag na Maguindnao del Norte Provincial Police Office.


Ayon sa opisyal, mayroong mahigpit na direktiba si PNP BARMM Regional Director, Police Brigadier General Allan Nobleza sa mga pulis na mamumuno sa lalawigan.


Sinimulan na rin ng Maguindanao del Norte PPO ang pagconsolidate ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang bayan na sakop ng lalawigan bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Barangay at SK elections.


Habang hinihintay ang itatalagang provincial director ng Maguindanao del Norte, sisikapin ni PCol Gulmatico na maging huwaran ang bagong tatag na Maguindanao del Norte PPO.


Sa regional headquarters ng PNP BARMM ang magiging pansamantalang tanggapan ng Maguindanao del Norte PPO.

0 views0 comments

Recent Posts

See All