top of page

Two-storey multi-purpose building, ipinatayo ng Provincial Government sa T'boli, South Cotabato

Kate Dayawan | iNEWS | October 7, 2021


Cotabato City, Philippines - Isang two-storey multi-purpose building ang matagumpay na naipatayo ng Provincial Government ng South Cotabato sa Barangay Tudok, T'boli.


Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.


Mas maginhawa na at matiwasay ang transakyon sa nasabing barangay ngayong naipatayo ang multi-purpose building.


Pinondohan ito ng abot sa P2, 482, 087.10.


Prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang matugunan ang kahilingan ng mga nasasakupan.


Hindi alintana kung gaano man ito kalayo basta't maihatid lang ang serbisyo sa publiko.




0 views
bottom of page