top of page

TYPHOON KARDING, BAHAGYANG HUMINA PERO MAHIGPIT PA RING BINABANTAYAN

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Sa datos mula sa PAGASA, makikita sa ating i-weather center na bahagyang humina ngayon ang bagyong Karding habang binabaybay ang kalupaan lalo na sa may Central Luzon.


Kanina ngang 4 AM huling namataan ang sentro o mata ng bagyong Karding sa Coastal Waters ng Sta. Cruz Zambales. May lakas ng hangin ito na umaabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 170 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyong Karding sa direksyong West Northwest sa bilis na 30 kilometers per hour. Dito sa Cotabato City, asahan ang mga panaka-nakang pag-ulan na may kasamang hangin lalo na sa hapon o gabi dulot ng mga Localized Thunderstorm o Habagat.


Habang makakaranas naman ng maulap na papawirin ang natitirang bahagi ng Mindanao na may mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ng Habagat at Localized thunderstorm.


Nagtaas naman ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Western section ng Pangasinan at Northern at Central Portions ng Zambales.


Samantalang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 naman sa natitirang bahagi ng Pangasinan, La Union, Southern Portion ng Benguet, Tarlac, Western Portion ng Nueva Ecija, Pampanga, Natitirang bahagi ng Zambales at Northern Portion ng Bataan.


Habang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Ilocos Sur, natitirang bahagi ng Benguet, Western portion ng Ifugao, Western Portion din ng Mountain Province, Quirino, Nueva Viscaya, Southern at Central Portions ng Aurora at natitirang bahagi Nueva Ecija.


At para naman sa ating magiging panahon bukas, sa Cotabato City, maglalaro sa 24 - 32 degrees Celsius ang agwat ng temperatura at 50% ang chance of rain.


Sa Maguindanao, papalo rin mula 24- 34 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.


Sa South Cotabato naman, maglalaro mula 22 – 32 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 60% ang chance of rain.


23- 32 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura bukas North Cotabato at 50% ang tsansang uulan.


Sa Zamboanga City, mula 26-30 degree Celsius naman ang magiging agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.


Habang sa Lanao del Sur naman, papalo mula 18-26 degree Celsius ang agwat ng temperatura at 80% ang chance of rain.


Sumikat ang araw kaninang 5:36 ng umaga at lulubog 5:45 ng hapon.


0 views
bottom of page