top of page

TYPHOON "MAWAR"

PAGASA, PATULOY NA BINABANTAYAN ANG NAMUONG BAGYO SA LABAS NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY NA PINANGALANANG TYPHOON "MAWAR"

 


Sa datos ng PAGASA, Biyernes ng hapon ng maging isang bagyo ang dating LPA, ito ay may international name na MAWAR.


si MAWAR ay huling namataan sa layong 2,330 km East of Mindanao, wala pang direktang ipekto sa bansa at inaasahan na ito'y kikilos pahilagang kanluran (North-West). ito ruin ay maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa bandang araw po ng biyernes, kaya sa ngayon asahan pa rin ang mainit na panahon. Kung sakaling sa pag-pasok ni bagyong MAWAR sa PAR ang magiging pangalan niya ay bagyong BETTY.


asahan namang maging maulan sa bandang weekend partikular na sa western section ng Luzon, Visayas at Mindanao, hindi man ito derktang epekto ng bagyo pero asahan an mapapalakas nito ang hanging habangat o SoutWest Monsoon. Sinabi naman ng PAGASA na panatilihin ang pagtutok dahil maaring maging Super Typhoon si Bagyong Mawar lalo na at nasa karagatan ito.


Sa kabilang banda naman ng Pilipinas, patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Bansa ang pag-iral ng Southwesterly Windflow o hanging nanggagaling sa timog-kanluran.


inaasahan din na magdadala ito ng pagulan sa Palawan, ilang bahagi ng Mindoro, at Panay Island.


Sa ibang bahagi naman ng bansa ay mainit na panahon ang mararanasan pero tumataas rin ang posibilidad ng mga isolated rainshower and thunderstorms. Babala ng PAGASA, panatilihing magdala na ng pananggalang sa ulan dahil mapapadalas na ang pagulan lalo na sa Hapon hanggang gabi maging sa madaling araw.


sa magiging lagay naman ng ating panahon bukas-


Ang Cotabato city ay makakaranas ng 25-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 60 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-31 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Ang Davao City naman ay makakaranas ng 23-31 degrees celsius na agwat ng temperatura at 70 percent na tsansa ng pag-ulan.


Sa Cagayan de Oro, maglalaro sa 25-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 60 percent ang tsansa ng pag-ulan.


Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 24-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag-ulan.


at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-26 degrees celsius na agwat ng temperatura at 90 percent na tsansa ng pag-ulan.


ang araw ay sumikat kaninang 5:27 ng umaga at lumubog kaninang 6:19 ng gabi


0 views0 comments

Recent Posts

See All