Weather Update | September 30, 2021
Cotabato City, Philippines - Lumalayo na ng Philippine Area of Responsibility ang mino-monitor na bagyong Mindulle.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,560 km east northeast ng Extreme Northern Luzon
Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 34 degree celsius at 60 percent ang chance of rain.
Sa Maguindanao papalo mula 24-35 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.
Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-33 degree celsius at 100 percent chance of rain.
Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.
Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan.
Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:34 ng gabi.
