top of page

Typhoon Mindulle, namataan sa layong 1,495 km Extreme ng Northern Luzon

Weather Update | iNEWS | September 28, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy pa ring Mino-monitor ng PAGASA si Typhoon Mindulle sa labas ng Philppine Area of Responsibility.


Huling namataan ang bagyo sa layong 1,495 km Extreme Northern Luzon


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 190 km/h.


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 40 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-35 degree celsius ang agwat ng temperatura at 50 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-34 degree celsius at 50 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 32 degree celsius at 30% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 28 degree celsius at 50% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:34 ng gabi.




11 views
bottom of page