Typhoon Mindulle, nasa labas pa rin ng PAR

Weather Update | Septmber 29, 2021


Cotabato City, Philippines - Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility ang mino-monitor na bagyong Mindulle.


Huling namataan ang bagyo sa layong 1,425 km East ng Extreme Northern Luzon


Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 km/h malapit sa gitna at may pagbugso naman na aabot sa 215 km/h.


Kumikilos ito patungong Norte sa bilis na 10 km/h


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 60 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 23-34 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 32 degree celsius at 40% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 28 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:34 ng gabi.





3 views