top of page

Typhoon Mindulle, tuluyan ng nakalabas ng PAR

WEATHER UPDATE | October 1, 2021


Cotabato City, Philippines - Tuluyan ng nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Mindull.


Sa ngayon ay wala pang namo-monitor na panibagong Low Pressure Area sa anumang bahagi ng bansa.


Makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga isolated rainshowers ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 24 hanggang 33 degree celsius at 60 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 24-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 26 to 31 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan Ang araw ay sumikat 5:30 ng umaga at lulubog 5:33 ng gabi.




7 views
bottom of page