UAAP SEASON 85, AARANGKADA NA SA OKTUBRE

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Magsisimula na ngayong a-uno ng Oktubre ang mainit na inaantay ng lahat na Premiere League ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 85.


Host University ngayon sa kumpetisyong ito ang Adamson kung saan may kabuuang animnapung events ang paglalabanan ng mga atleta, mas mataas kumpara noong nakaraang taon na sobrang limitado lamang ang maaaring salihan ng mga kalahok.


Magsisimula sa October 1 ang UAAP Season 85 bandang alas dose y medya ng hapon at agad namang susundan ng unang laro na basketball na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

2 views