UBJP DEPSECGEN, SISIGURUHIN NA MANANAGOT SA BATA ANG ILANG BRGY. OFFICIALS NA SANGKOT SA HARASSMENT
Kael Palapar

COTABATO CITY - Mariing kinukondena ni United Bangsamoro Justice Party o UBJP Deputy Secretary General Atty. Naguib Sinarimbo ang pananakot at pananakit ng ilang barangay offficials sa kanilang political supporters sa Cotabato City.
Sa Facebook post ni Sinarimbo, iginiit nito na makikiisa ang UBJP sa pagsasampa ng kaso sa mga barangay officials na sangkot sa pang-haharass sa mga tagasuporta ng kanilang partido.
Ang mag-amang Kahar Ibrahim at Ashraph Ibrahim na pawang residente ng Brgy. Poblacion 5 ng lungsod ang tinukoy ng UBJP na binugbog
Inirereklamo rin ng Barangay Chief Executive Officer ng partidong UBJP na si Sol Mantawil ang isang kagawad sa Rosary Heights 10 kasunod ng pagpunta at pananakot nito sa kanya habang may bitbit na mataas na kalibre ng baril kahapon.
Ito ay makaraang magorganisa si Mantawil ng political campaign ng UBJP sa nasabing barangay.
Dahil sa mga naging serye ng pananakot sa ilang political supporter ng UBJP, sinabi ni Atty. Sinarimbo na tutulungan umano nito ang mga biktima upang makamit ang hustisya.
Pinaalalahan naman ni Sinarimbo na mahigpit na ipinagbabawal ang pamimilit at pananakot ng mga kapitan at mga opisyal ng barangay lalo pa't ilang araw na lamang at eleksyon na.