top of page

UFC AT MMA VETERAN ELIAS THEODOROU, PUMANAW NA.

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Pumanaw na sa edad na 34 ang Canadian Veteran Ultimate Fighting Championship at Mixed Martial Arts Artist na si Elias Theodorou matapos ang matinding pakikipaglaban sa Stage 4 liver cancer.


Maalala na noong taong 2014 nang makapasok sa UFC si Theodorou at noong taong 2019 naman nang pakawalan siya ng organisasyon matapos ang kanyang Unanimous Decision na pagkatalo laban kay American Player Derek Brunson.


Samantala, sa buong sports career ni Theodorou ay nakapagtala siya ng kabuuang labingsiyam na wins habang tatlo naman ang loses.


4 views
bottom of page