top of page

UMUUSAD NA ANG PPROSESO PARA SA HATIAN NG ARI-ARIAN, AT RESOURCES PARA SA MAG DEL NORTE AT DEL SUR

Fiona Fernandez I iMINDSPhilippines


Umuusad na ang hatian ng mga properties, resources, at maging mga ililipat na empleyado para Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.


Ito ay alinsunod sa animnapung araw na inilaan na Transition Period matapos maratipika ang Republic Act 11550.


Ayon kay Provincial Administrator Atty. Cyrus Torrena, handa na ang mga empleyado na ililipat sa Maguindanao Del Norte.


Sa usaping ari-arian, nakikipag-ugnayan na rin ang provincial government sa iba’t-ibang departamento tulad ng Landbank para sa IRA o Internal Revenue Allotment na kung saan, pinal na desisyon nalang ng DBM ang hinihintay.


"As of now we are on the process, hindi pa nag finalize yung dalawang gobernadora si Governor Mariam at acting governor Sinsuat kung papaano ang setup… yung preparations dun sa mga empleyado final decision nalang galing sa kanila [governors] pag setup na yung division of the property. Meron narin problem na kailangan muna nilang pagusapan.... Hinihintay ko pa ang final decision ng Landbank ngayon with regards sa IRA nasa BBM ang final decision regarding jan kung papano paghatian" Atty. Cyrus Torrena, Provincial Administrator, Maguindanao


Ani Atty. Torrena, makikipagpulong din ang provincial government ngayong araw sa Philippine National Police para sa pagtatatag ng bagong Maguindanao Del Norte Provincial Police Office.


TORRENA "bukas may meeting nanaman ako with the Philippine National Police galing Camp crame para pag usapan din kung papano ma create ang Maguindanao del Norte Provincial Police Office."


Dagdag pa ni Atty. Torrena na mas mainam na maisagawa na ang oath taking sa lalong madaling panahon.


TORRENA "Sa ngayon kailangan nila mag discuss regarding this matter kung papano mag finalized at another advice ko sa kanila ay kailangan na mag take oath ng ating governor the honorable Bai Ainnie Sinsuat at saka dalawang acting vice governor, as soon as possible po."


End

0 views
bottom of page