top of page

UNANG 100 ARAW NG 17TH SANGGUNIANG PANLUNGSOD, PRODUKTIBO; 17 ORDINANSA IPINASA AT INAPRUBAHAN

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Labing pitong ordinansa at pitumpu't dalawang resolusyon ang naipagtibay ng 17th Sangguniang Panlungsod sa loob ng isang daan araw na panunungkulan sa lokal na pamahalaan ng Cotabato City.


Bilang katuwang ng alkalde sa pamamalakad sa lungsod, ibinida ni Vice Mayor Johari "Butch" Abu ang kaniyang napagtagumpayan bilang bise alkalde.


Isa na rito ang tinatrabahong Public Market, na isa sa infrastructure project na tinatalakay sa kanilang lingguhang sesyon.


Maliban pa rito, layunin din ng tanggapan ng bise alkalde na magkaroon Vice Mayor's Help Desk sa lungsod at target ding iisa-isahin ang mga barangay upang marinig ang mga kailangan ng mamamayan nang sa gayon ay mabigyan ng agarang tugon at aksyon.


Ayon sa bise alkalde, simula palang ito ng kaniyang mga adhikain para sa lungsod at aasahan ang mas organisado at asensadong lungsod ng Cotabato City. Nabanggit din nito na target ng Sangguniang Panlungsod na talakayin ang installation ng traffic lights sa lungsod para sa mas matiwasay at maluwag na daloy ng trapiko, lalo na at nagsisimula na ang face-to-face class.


Pagdating naman sa Social Welfare programs, aktibo din ang SP upang gumawa ng magandang ugnayan at relasyon sa mamamayan nito.


Aasahan naman sa mga susunod na hakbang ng Cotabato City Government katuwang ang BARMM Government, mas maliwanag, progresibo at maunlad na Cotabato City ang ibibigagay para sa mga Cotabatenos.


End

1 view
bottom of page