top of page

Unclaimed Social Pension ng mga Senior Citizens sa Cotabato City ipamamahagi na ng OSWD ng lungsod

Kristine Carzo | iNEWS | October 12, 2021



Cotabato City, Philippines - Puspusan ang ginagawang paghahanda ngayon ng Cotabato City Office of the Social Welfare and Development para sa nakatakdang pay-out ng mga unclaimed social pensions ng mga Senior Citizens sa lungsod.


Bukas hanggang Huwebes itinakda ng OSWD ang pay-out sa Cotabato Coty Peoples Palace.


Ayon kay OSWD Chief, Cheribin Viloria, tanging mga pensioner lamang na hindi nakatanggap ng kanilang pension noong Augustus 23-31 2021 at September 1-3 2021 ang pagkakalooban.



Papangunahan mismo ng OSWD, DSWD 12 at Office of the Senior Citizens Affair ang pamamahagi ng social pension.


Sa mga Senior Citizen na nais makakuha ng kanilang social pension ay maari lamang na pumunta sa kanilang barangay upang malaman ang final list ng mga tatanggap ng kanilang pension.


Paalala naman ng OSWD sa lahat ng mga tatangap ng pension na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad sa lungsod.





9 views
bottom of page