iNEWS | December 28, 2021

Ayon kay Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson, kailangan ito para pigilan ang mga ospital na tumiwalag sa health insurance system ng estado at upang hindi na lalo pang magdusa ang publiko sa gitna ng pandemya ng coronavirus.
Inilatag ni Lacson ang isyung ito sa isang press conference kamakailan sa Lingayen, Pangasinan. Nabanggit niya na dumarami ang mga pribadong ospital na pinuputol ang kanilang ugnayan sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa hindi nababayarang hospitalization claims na umabot na sa humigit-kumulang P20 bilyon noong Nobyembre.
Kasama si Lacson sa mga nagsulong na maipasa ang Universal Health Care Act kaya naman mahigpit niyang sinubaybayan ang implementasyon nito mula pa noong 2018.
Mahalaga ito ayon sa senador dahil sa universal health care, libre ang pagpapagamot para sa mga kababayan natin na walang-wala.
Bukod sa libre, nasisiguro din dito na kayang i-accommodate lahat ng nangangailangan.
Para kasi ma-fully-implement ang UHCA, kailangan ng pondo na P257 billion. Na kaya naman daw sana ng bansa kung aayusin ang budget.
Sa taong 2022, 173 billion pesos lang ang inilaan para dito-
kapag nailuklok sa pwesto, pangako ni senador ang dekalidad na health care para sa bawat pilipino.
Sisiguraduhin din ng senador na mawawala ang katiwalian at maaayos ang pamamahala sa PhilHealth.