top of page

USAID, NAMAHAGI NG 120SMART TABLETS SA MINISTRY OF BASIC, HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION!

Kael Palapar

BANGSAMORO REGION — Ipinigkaloob ng U.S Agency for International Development o USAID ang mahigit 100 smart tablets at iba pang health at education supplies sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM bilang pagsuporta sa muling pagpapatupad ng face-to-face classes.


Ang nasabing smart tablets ay naglalaman ng reading materials na nakasalin sa iba't ibang lokal na dayalekto upang mabigyang suporta ang mga early grade students sa kanilang pagbasa.


Namahagi rin ng iba pang health at education supplies ang USAID gaya ng face masks, alcohol at mga notebooks.


Nakatakda naman itong ibahagi sa mga Grade 3 students ng Maguindanao 2 at Cotabato City.

1 view
bottom of page