UZI Cal 9mm Pistol, isinuko ng isang sibilyan sa Datu Montawal PNP

Kristine Carzo | iNEWS | October 5, 2021


Cotabato City, Philippines - Personal na tinanggap ni Datu Montawal Municipal Police Station Chief, Police Lt Colonel. Nurjhasier Sali, ang isang hindi lisensyadong baril na isinuko sa kanilang tanggapan.


Pasado alas-dose ng tanghali, araw ng lunes ng inihatid ni Barangay Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao, Barangay Chairman Abdullah Mangadad ang isang UZI cal 9MM pistol.


Ito ay isinuko ni alyas Toto na residente rin ng nasabing barangay.


Kasabay din nitong isinuko ang isang magazine na walang lamang bala.


Nasa kostodiya na ngayon ng Datu Montawal MPS ang isinukong armas para sa tamang disposisyon.





9 views