top of page

Vaccination rollout para sa priority group A4 sa Cotabato City, sinimulan na!

Kristine Carzo | iNEWS | September 8, 2021


Cotabato City, Philippines - Sinimulan na ng Cotabato City Health Office ang vaccination rollout para sa priority group A4 sa lungsod. Maaari na rin na magpatala sa online vaccination program ng Cotabato City Health Office ang mga government employee, private employee, at self-employed na kabilang sa informal sector.


Target ng Cotabato City Health na makapagbakuna ng 100,000 na mga cotabatenio na kabilang sa priority group A4.


Sa record mula sa City Health Office, mahigit 64,000 na ang bilang ng mga Cotabatenio ang tumanggap ng bakuna kontra covid-19


Inaasahan na sa mga susunod na araw ay sisimulan na rin ang pagbabakuna sa Priority Group A5 o ang kabilang sa indigent population at miyembro ng 4Ps program.


Photo credit: Cotabato City Health Office

3 views
bottom of page