top of page

VAWC SURVIVORS, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL AT PANG KABUHAYAN MULA SA MAGUINDANAO PROVINCE

Amor Sending | iNEWS | December 16, 2021

Photo courtesy : Makabagong Maguindanao


Cotabato City, Philippines - Sa Culmination program ng 18-day Campaign to End Violence against Women and Children, na ginanap sa Provincial Capitol sa bayan ng Buluan, Maguindanao noong araw ng Martes, ika labing apat sa buwan ng Disyembre, Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan at pinansyal sa mga VAWC survivors ng Probinsya.


Layunin nito na sa pamamagitan ng mga naipaabot na tulong ay makapag simulang muli ang mga survivor at makapag patuloy sa kanilang pamumuhay.


Ayon kay Provincial Gender and Development Focal Person, Nor-Eimman Balayman-Dalaten, isa ang Violence Against Women and Children sa mga pangunahing problema ng Probinsya. Kaya naman sa tatlong taon na pamumuno ng Agila ng Maguindanao, Tatlong taon na rin umano itong namahagi ng tulong pangkabuhayan at Pinansyal sa mga kababaihang biktima ng karahasan at mga survivors sa Probinsya.


Taong 2019 nang unang mamahagi ang Gobernadora ng trisikad at Livelihood package. Nitong nakaraang taon naman, sya ay namigay ng "Agila mini store" na may kasamang groceries o livelihood package.

Para naman sa taong 2021, pangkabuhayan package at tulong pinansyal na nagkakahalaga ng anim na libong piso naman ang ipinamahagi sa mga VAWC survivors ng Probinsya.


Bukod sa pamamahagi ng tulong, ginanap rin sa naturang programa ang MOA signing, bilang pakikipagtulungan ng Probinsya upang matugunan at tuluyang masugpo ang anumang anyo ng karahasan sa buong Probinsya ng Maguindanao.


Ang ginanap na MOA signing ay tanda ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao katuwang ang UNFPA, MSSD,DSWD XII, IPHO Maguindano at ang WCPD Maguindanao sa 18-day Campaign to End Violence against Women and Children sa Probinsya.


Sinisiguro naman ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na laging handang tumulong at umakay ang Pamahalaang Panlalawigan para sa mga biktima at survivors ng Karahasan sa Probinsya.


16 views
bottom of page