top of page

VaxCertPH Program ng national government, hindi pa fully operational - Cotabato City Health Office

Updated: Dec 13, 2021

Kate Dayawan | iNEWS | December 9, 2021

Photo courtesy: Cotabato City Health Office


Cotabato City, Philippines - Matapos na magpalabas ng advisory ang Department of Interior and Local Government hinggil sa VaxCertPH program ng gobyernong nasyunal, ipinaliwanag ng Cotabato City Health Office ang nilalaman nito upang maipaliwanag ng husto sa mga Cotabateño.


Nakasaad sa nasabing advisory na hindi pa fully operational ang VaxCertPH ng gobyernong nasyunal.


Ito ay dahil sa marami pa umanong vaccination records ang kinakailangan pang i-upload sa DICT Vaccine Administration System o DVAS ng ilang mga LGU sa buong bansa.


Hindi rin umano lahat ng maglo-log in sa self-service portal na ito ay makakapag generate ng kanilang VaxCert o Vaccination Certificate.


Paliwanag ng City Health Office, hindi pa required ang VaxCert sa domestic travel kaya't priority na muna ng LGU na i-assist ang mga OFW at international travelers na makakuha o mabigyan ng VaxCert dahil required ito bago makapasok ng ibang bansa.


Sa ngayon, sapat na umano ang LGU-issued na Vaccination Card o Certificate para sa local travel at iba pang lakad.


Hindi umano dapat na mabahala ang sinumang hindi makakapag generate ng kanilang VaxCert dahil makakakuha rin ang mga fully vaccinated na ng kanilang VaxCert sa lalong madaling panahon. Ito ay kapag na-encode na ang lahat ng vaccine recipients nationwide at fully implemented na ang VaxCertPH program.

22 views
bottom of page