top of page

VERY SATISFACTORY RATE, NAKAMIT NG SOUTH COTABATO PROVINCIAL GOVERNMENT SA KATATAPOS NA NSED 2022

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Nakiisa ang South Cotabato Provincial Government sa Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2022 kahapon, September 8.


Kabilang sa mga phases na isinagawa sa naturang drill ang Alarm, Response, Evacuation, Assembly, Headcount and Evaluation.


Ang kahalagahan ng pakikiisa sa ganitong drill ay para patatagin ang mekanismo para sa National and Regional Coordination upang maging handa kapag may hindi inaasahang lindol.


Very Satisfactory naman ang natanggap na rating ng South Cotabato Provincial Government sa kanilang magandang perfomance sa NSED 2022.


Naniniwala ang South Cotabato Provincial Government ng Cotabato sa pamumuno Gov. reynaldo Tamayo Jr. na kahandaan sa mga hindi inaasahang sakuna ang magsasalba ng bawat buhay.

0 views
bottom of page