iNEWS | November 25, 2021

Cotabato City, Philippines - Sa Facebook page ni Mayor Inday Sara Duterte, ipinost ang negative result ng drug test ng Vice Presidential Candidate-
Ayon sa Alkalde, boluntaryo siyang nagpadrug –test kasunod na rin ng naging paki-usap ng kanyang Uniteam Partner, Presidential Candidate, Senator Bongbong Marcos bilang suporta sa panawagan ng transparency.
Sinabi ni Mayor Sara na mahalaga sa panahon ng eleksyon na tumutok sa substantial qualifications sa lahat ng mga nagnanais mamuno sa bansa.
Sinabi nito na marami sa ating mga kababayan ang naghihirap. Gamitin aniya ang pagkakataong ito upang magkaisa sa pagpili ng pamumunong tapat at sapat sa ating layunin na ang ating bansa ay maging maayos, masagana at mapayapa.