top of page

VIDEO NG SINGER NA SI ZAYN MALIK, KINAGILIWAN NG KANIYANG MGA FANS

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Nostalgic vibes ang naramdaman ng mga newtizens at fans ng One Direction matapos kantahing muli ng isa sa mga miyembro ni na si Zayn Malik nitong Lunes ang kanilang isa sa mga hit na kantang "Night Changes" .


Inilabas ng grupo ang ballad bilang pangalawang single mula sa kanilang pang-apat na studio album na “Four”, noong November 2014. Apat na buwan lang ito bago biglang umalis si Zayn Malik sa grupo noong March 2015.


Umabot ito sa No. 31 sa Billboard Hot 100 .


Sa bagong video, kinanta ni Malik ang ikalawang kalahati ng chorus ng kata, na orihinal na kinanta ng bandmate na si Harry Styles.


Si Malik ay hindi gaanong nagsasalita tungkol sa kanyang estado sa 1D, ngunit ito ang pangalawang pagkakataon sa huling tatlong buwan na kinanta niya ang mga kantang inilabas ng kanilang banda.


Nababaliw naman ang mga fans sa mga callback ni ZAYN sa 1D at nagsisimula na rin ang mga spekulasyon ukol sa comeback ng one direction.


Sa ngayon, wala pa namang kumpirmasyon sa mga lumalabas na spekulayson sa social media kaugnay sa comeback ng banda.

0 views
bottom of page