VM BUTCH ABU, PINASAYA ANG ELDERY WEEK CELEBRATION SA PAGBISITA NITO SA BAHAY MARIA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Nagpapasalamat ang senior citizen na si tatay Joselito dahil binisita ito kasama ang kaniyang kapwa senior citizen sa Bahay Maria Foundation Inc. at nagkaroon ng salo-salo mula sa Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City Government.


Namahagi ng food packs ang tanggapan ng bise alkalde kasama ang mga konsehal nito at mga kinatawan ng Office of the Senior Citizens Affairs.

Photo courtesy : Office of the City Vice Mayor


Pinagsaluhan naman ito ng mga lolo at lola.


Pinasalamatanan naman ni ICC Parish Rector Rev. Fr. Benjamin Ariel Torreto DCC ang hakbang na ito ng lokal na pamahalaan.


Ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing October 1 hanggang 7 base sa nakasaad sa Proclamation No. 470 na nagsusulong ng kahalagahan ng papel ng mga nakatatanda sa lipunan.


End

1 view