top of page

VP LENI, NAGTUNGO SA ZAMBOANGA SIBUGAY AT ITINURN-OVER ANG LIVELIHOOD ASSISTANCE SA KGMC

Lerio Bompat | iNEWS | January 25, 2022


Photo Courtesy: VP LENI


Cotabato City, Philippines - Sa kanyang pagbisita sa Zamboanga City, dumalo rin si Leni Robredo sa pagbubukas ng volunteer center sa lungsod. Personal na pinasalamatan ni VP Leni ang mga masisipag na #Kakampink volunteers na walang sawang nagbibigay ng suporta at pagmamahal.


Sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay naman, muling nakasama ni VP Leni si Robert “Ka Dodoy” Ballon at ang Kapunungan Gagmay’ng Mangingisda sa Concepcion (KGMC) para personal na iturnover ang livelihood assistance ng Tanggapan para sa kanila. Maliban pa dito, nakapagbigay na ng mga training sa personal financial management, business management, leadership, organization at cooperative building na makatutulong magbigay kaalaman sa mga miyembro ulol sa wastong pagpapatakbo ng negosyo at pagpapayabong nito.


Ang KGMC, sa pamumuno ng 2021 Ramon Magsaysay Awardee na si Ka Dodoy, ay nagbibigay rin ng technical assistance sa iba pang fisherfolk groups. Layon rin ng KGMC na mapangalagaan ang kalikasan at biodiversity sa lugar, sa pamamagitan ng pangangalaga at rehabilitasyon ng mga bakawan o mangroves sa kanilang nasasakupan.

4 views
bottom of page