top of page

VP Leni Robredo, bumisita sa Lanao del Sur

Kate Dayawan | iNEWS | October 19, 2021


Cotabato City, Philippines - Isang araw matapos ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Lanao del Sur, nagsagawa rin ng quick visit si Vice President Leni Robredo sa probinsya.


Ito ay upang makita ang mga health frontliner na personal namang nagpasalamat sa kanya dahil sa tulong na natanggap mula sa tanggapan nito sa pamamagitan ng Angat Buhay program.


Kabilang sa mga natanggap ng mga health frontliner ay ang Personal Protective Equipment o PPE, medisina at bitamina at relief goods.


Ito ay bilang pagbibigay-pugay ng bise presidente sa mga frontliner na patuloy na lumalaban kontra COVID-19.


Namahagi rin ng nabanggit na mga kagamitan ang Office of the Vice President sa IPHO-Lanao del Sur na pinamumunuan si Dr. Allen Minalang, Amai Pakpak Medical Center, Provincial Health Office ng Lanao del Sur, Provincial Social Welfare and Development Office - Lanao del Sur at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lanao del Sur.




0 views
bottom of page