top of page

VP SARA DUTERTE, PINANGUNAHAN ANG PAGBUBUKAS NG LIPATA ELEMENTARY SCHOOL SA CAMARINES SUR

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Magagamit na anim na classroom building sa Lipata Elementary School sa Barangay Cogon, Caramoan, Camarines Sur handog ng Department of Education.


Personal na tinungo ni Vice President Sara Duterte ang pagbubukas ng klase sa paaralan.


Ang Lipata Elementary School ay nabibilang sa ‘last mile schools’ o mga paaralang kadalasan ay walang kuryente, hindi standard ang classrooms at may hindi lalampas sa apat na silid-aralan lang.


Ipinaabot naman ng bise presidente ang kanyang paghanga sa mga guro sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo sa mga ‘last mile schools’ mabigyan lamang ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral.

6 views
bottom of page