top of page

VP SARA, INILATAG ANG MGA ULAT TUNGKOL SA POLISIYA AT NGA PROGRAMA NG DEPED

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Inilatag ng Office of the Vice President at ng Department of Education ang pinakahuling ulat sa mga polisiya at programa ng DepEd at Office of the Vice President kahapon ng Muyerkules, July 27.


Unang pinag-usapan ang pagmomonitor ng mga paaralan sa mga apektado ng lindol at kalagayan ng mga pasilidad upang malaman kung maari itong gamitin sa darating na pasukan sa Agosto.


Sa pinakahuling datos mula sa tanggapan ng DepEd, nasa 3.3 Million na ang nagpa-enroll sa papalapit na pasukan simula July 25. Target naman ng DepEd ang 28.6 enrollees ngayong pasukan.


Sa August 1, sisimulan na din ang kick off ng Brigada Eskwela.


Inilatag din ng Office of the Vice President na less than a month, mabibigay na ang mahigit 16 Million na medical and burial assistance sa mga qualified recipients sa iba’t-ibang probinsya ng bansa. Sa ngayon, naibahagi na ang 7 Million pesos sa mga nangangailangan.


Gayundin ang pagpapatupad bg programang “Magnegosyo ‘ta day” para sa mga kababaihan at LGBTQ+ community upang magnegosyo. Bawat isa, bibigyan ng 20 thousand pesos bilang kapital.

1 view
bottom of page