Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Itinampok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mahalagang papel ng mga guro sa pagbuo ng bansa at paghubog ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino, kasabay ng selebrasyon ng World Teachers' Day kahapon, araw ng Miyerkules.
Sa isang ulat mula sa Philippine News Agency, hinimok ni VP Sara ang publiko
na ipahayag ang kanilang pasasalamat sa mga guro sa kanilang dedikasyon at hilig na turuan ang mga mag-aaral.
Samantala, sinabi ni Duterte na karamihan sa mga guro ay humihiling ng mga karagdagang pasilidad ng paaralan. Ayon sa kalihim, magsasagawa ng assessment ang kanyang opisina hinggil dito.
Nagpasya si Duterte na makiisa sa pagdiriwang ng World Teachers' Day sa Bangued, Abra, para iangat ang moral ng sektor ng edukasyon sa mga lugar na tinamaan ng malakas na pagyanig noong July 27.
Kasabay ng pagdiriwang sa buong bansa ng World Teachers’ Day, ang pamamahagi ng 1,000 worth cash incentives para sa bawat guro sa pampublikong paaralan ay inilunsad din kahapon.
End