top of page

VP SARA, NAKIPAGPULONG SA AFP UPANG SIGURUHIN ANG SEGURIDAD LABAN SA TERORISMO

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Sentro ng isinagawa Sit-down meeting ang pagpapaigting ng seguridad kontra terorismo.


Nitong lunes, kasama ni Vice President Sara Duterte ang mga pinuno ng security sector ng bansa sa pangunguna ni Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at mga commander ng mga major services ng AFP— ang Philippine Army, Philippine Air Force, at Philippine Navy.


Binigyang diin ang kahalagahan ng kooperasyon ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa pagtugon ng kriminaliad at terorismo sa bansa.


Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni ni VP Sara na seryoso ito sa kaniyang adhikain na makamit ang kapayapaan .


Naroon din sa pulong ang mga pinuno at kinatawan ng Philippine National Police, Bureau of Fire, Bureau of Jail Management and Penology.

4 views
bottom of page