WALANG NAMAMATAANG PANIBAGONG BAGYO; EASTERLIES PATULOY NA NAKAKAAPEKTO SA BANSA

Wala namang namamataang bagong bagyo ang PAGASA at Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa bansa
sa pagmomonitor ng PAGASA sa latest satelite images, wala namang binabantayang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
sa kasalukuyan, Easterlies o Hangin na nanggagaling sa Dagat Pasipiko pa rin ang nakakaapekto at nagdadala ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Para naman sa magiging lagay ng panahon bukas-
Ang Cotabato city ay makakaranas ng 24-33 degrees celsius na agwat ng temperatura at 50 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-35 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag-ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-33 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang chance of rain.
Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-33 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang chance of rain.
Ang Davao City naman ay makakaranas ng 24-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 60 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Cagayan De Oro, maglalaro sa 25-33 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang chance of rain.
Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-31 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang chance of rain.
Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 24-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang chance of rain.
at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-27 degrees celsius na agwat ng temperatura at 100 percent na tsansa ng pag-ulan.
ang araw ay sumikat kaninang 5:40 ng umaga at lumubog kaninang 6:11 ng hapon.