WALANG SAMA NG PANAHON

Wala pa ring namamataan ang PAGASA na sama ng panahon malapit sa Philippine Area of Responsibility. Easterlies patuloy na magdadala ng pag ulan at pangkalahatang mainit na panahon.
Sa datos ng PAGASA, Patuloy pa rin ang epekto ng Eaterlies o hangin mula sa Pacific Ocean sa bansa. magdadala ito ng mga pag-ulan at generally mainit na panahon sa Visayas at Mindanao.
Sa Luzon naman ay patuloy ang fair weather condition ngayong araw na sasamahan ng pulo pulong pag ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa ngayon, wala pa ring sama ng panahon na namamataan na malapit sa Philippine Area of Responsibility at asahan ito hanggang ngayong weekend.
Sa lagay ng ating panahon bukas-
Ang Cotabato city ay makakaranas ng 24-34 degrees celsius na agwat ng temperatura at 50 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Maguindanao, maglalaro sa 25-36 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang tsansa ng pag-ulan.
Sa South Cotabato, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang chance of rain.
Sa Cotabato Province, maglalaro sa 23-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang chance of rain.
Ang Davao City naman ay makakaranas ng 24-32 degrees celsius na agwat ng temperatura at 60 percent na tsansa ng pag-ulan.
Sa Cagayan De Oro, maglalaro sa 26-34 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 40 percent ang chance of rain.
Sa Zamboanga City, maglalaro sa 26-33 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang chance of rain.
Sa Lanao Del Norte, maglalaro sa 24-32 degrees celsius ang agwat ng temperatura at 70 percent ang chance of rain.
at Ang Lanao del sur naman ay makakaranas ng 18-27 degrees celsius na agwat ng temperatura at 80 percent na tsansa ng pag-ulan.
ang araw ay sumikat kaninang 5:39 ng umaga at lumubog kaninang 6:11 ng hapon.