top of page

WANTED NA MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP, ARESTADO NG PNP SA TAWI-TAWI

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 10, 2022

Photo courtesy : PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Napasakamay ng mga operatiba ng PNP ang isang di umano’y notorious na miyembro ng Abu Sayyaf Group na mayroong warrant of arrest dahil sa kasong Kidnapping with ransom sa inilunsad na law enforcement operation sa Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawii kahapon, March 9.


Kinilala ang nahuling suspek na si alyas Al, 26 anyos, ASG member at isa sa Most Wanted Persons sa Bongao Municipal Police Station.


Ang warrant of arrest ng suspek ay inisyu ng Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 5, Tawi-Tawi noong September 2, 2019.


Sa report mula sa Tawi-Tawi Police Provincial Office, alas nuwebe ng umaga kahapon ng matagumpay na maisilbi ng pinagsanib na pwersa ng Bongao MPS, Provincial Intelligence Unit of Tawi-Tawi PPO, 51st SAC Special Action Force, 1st Special Operations Unit Maritime Group, at National Intelligence Coordinating Agency ang warrant of arrest laban sa suspek.


Agad na dinala sa Bongao MPS ang suspek para sa wastong disposisyon, imbestigasyon at documentasyon.


Ayon kay Police Brigadier General Arthur R Cabalona, Regional Director, PRO BAR, naging matagumpay ang inilunsad sa law enforcement operation dahil sa suporta ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa otorridad.


Hinikayat naman nito ang publiko na patuloy na suportahan ang operasyon ng PNP laban sa mga wanted person sa Bangsamoro region.


End.


4 views
bottom of page