Kate Dayawan

ZAMBOANGA DEL SUR - Sa bisa ng warrant of arrest, napasakamay ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang unit ng PNP ang isang wanted person sa Purok Anahaw, Mabini Street, Barangay Poblacion, Aurora, Zamboanga del Sur noong araw ng Miyerkules, May 18.
Kinilala ang nasabing suspek na si alyas Nathaniel, 33 anyos at residente ng Barangay Ranao Ibaning, Amai Manabilang, Lanao del Sur. Si Nathaniel ay mayroong warrant of arrest dahil sa kasong Rape na inisyu ng Regional Trial Court – 12, Judicial Region, Branch 26 ng Wao, Lanao del Sur noong February 17, 2022.
Pansamantalang nakapiit sa Aurora Municipal Police Station Jail facility ang suspek para sa dokumentasyon at nakatakdang itinurn-over sa Amai Manabilang MPS para rin sa dokumentasyon at saka ihaharap sa korteng nag-isyu sa kanya ng warrant of arrest para sa issuance ng Commitment Order.
Naging matagumpay ang operasyon sa pagtutulungan ng Amai Manabilang MPS, 1st Provincial Mobile Force Company, Lanao del Sur Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit – LDSPPO, Aurora MPS, Zambo Sur PPO, 1st ZSPMFC at Regional Intelligence-15.
Muling paalala ng Police Regional Office BAR, sa pamumuno ni Police Brigadier General Arthur Cabalona, hindi sila titigil na isakatuparan ang kanilang mandato sa paglulunsad ng manhunt operations sa aktibong partisipasuon ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ito ng maaasahang impormasyon sa kinaroroonan ng mga wanted person.