top of page

Wanted Person sa Basilan, napasakamay ng PNP!

Kate Dayawan | iNEWS | November 23, 2021

Photo courtesy : PRO - BAR


Cotabato City, Philippines - Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Basilan Police Provincial Office at Regional Mobile Force Battalion - BASULTA ang isang wanted person sa inilunsad na manhunt operation noong Sabado sa Bohenange, Lamitan City, Basilan.


Kinilala ang suspek na si Avenido, 62 anyos at may warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, 9th Judicial Region, Branch 2, Isabela City, Basilan noong February 22, 2020.


Nang isinilbi na ang warrant of arrest sa suspek, natagpuan ng otoridad sa posesyon nito ang isang Shotgun Remington na may tatlong live ammunition.


Agad na dinala ang suspek sa Lamitan City Police Station para sa wastong dokumentasyon.


26 views
bottom of page