WANTED PERSON SA BAYAN NG UPI, MAGUINDANAO, ARESTADO!

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 9, 2022

Photo courtesy: UPI MPS


Cotabato City, Philippines - Himas-rehas na ngayon ang wanted person sa bayan ng Upi, Maguindanao matapos na mahuli kahapon sa bisa ng warrant of arrest.


Hindi naman na pinangalanan pa ang 27 anyos na akusado, isang driver at residente ng Barangay Kibucay, Upi, Maguindanao,


Ang nahuling indibidwal ay may warrant of arrest dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries at may inirerekomendang pyansa na 30,000 pesos.


Ito ay inisyu ng 3rd Municipal Circuit Trial Court ng Kabacan-Carmen, Kabacan Cotabato noong January 12, 2022 na nilagdaan ng Honorable Presiding Judge.


Sa ngayon ay nakapiit na sa Upi MPS ang akusado at nakatakdang iturn-over sa korteng nag-isyu sa kanya ng warrant of arrest


End.

2 views