top of page

Wards at mga pasilidad para sa mga COVID-19 patients ng APMC, punuan pa rin

Kate Dayawan | iNEWS | September 14, 2021


Cotabato City, Philippines - Bumaba man ang kaso ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Lanao del Sur, nasa maximum capacity o punuan pa rin umano ang mga ward at pasilidad na inilaan ng Amai Pakpak Medical Center para sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit na COVID-19.


Batay ito sa inilabas na public advisory ng pamunuan ng APMC as of September 13, 2021.


Nakasaad dito na nananatiling nasa Critical level ang suplay ng oxygen sa ospital dahil sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan ng medical oxygen.


Laging paalala ng APMC na agad na sumangguni sa mga pinakamalapit na ospital o iba pang medical facility sa lugara kapag nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19.


As of September 13, 2021, nakapagtala na ng 2,357 na kaso ng COVID-19 ang Amai Pakpak Medical Center.


157 ang active cases, 1,995 ang nakarekober na at na-discharged habang 236 ang bilang ng mga nasawi sa ospital dahil sa COVID-19.




2 views
bottom of page