Kate Dayawan | iNews | September 6, 2021
Cotabato City, Philippines - Upang mayroong magamit sa pang-araw-araw na gawain, nagpatayo ng isang Water System ang Provincial Government ng South Cotabato sa Purok Upper Riverside, Barangay San Jose, Banga, South Cotabato.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.
Ramdam umano ng kasalukuyang administrasyon ang hirap ng mga residente sa lugar na walang linya ng tubig.
Pinondohan ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapatayo ng nasabing water system sa lugar na nagkakahalaga ng P1,498,224.65.
Samantala...
Ipinaayos din ng Provincial Government ng South Cotabato ang mga daan sa bayan ng Santo Nino, Lake Sebu-
Abot sa P14,983,630.65 ang pondong inilaan para sa pag-upgrade sa Katipunan-Lopez Jaena Road.
Habang sa Lake Sebu naman, umabot sa P15,596,460.79 ang inilaang pondo para naman sa rehabilitasyon ng Poblacion-Lugan Road.
Sa ngayon ay maayos nang nadadaan ng mga residente sa lugar ang mga inayos na mga kalsada.
Dahil na rin umano sa kaayusan ng mga kalsada ay patuloy na ring nakakapaghanap-buhay ang mga mamamayan kasabay ng pag-unlad ng probinsya ng South Cotabato.
End.

Photo by: Provincial Government of South Cotabato