Kate Dayawan

WESTERN MINDANAO - Abot na sa 66 na communist terrorist group personalities ang na-neutralized ng militar simula January 1 hanggang March 31.
Ito ay ayon sa naging campaign assessment ng Western Mindanao Command sa Eisenhower Hall inside the Khadaffy Mansion at Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City noong Martes, April 26, 2022.
Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, sa 66 na na-neutralized ng AFP, isa dito ang napatay, tatlo ang naguli habang 62 naman ang sumuko.
Bukod dito ang umabot rin sa 63 ang mga nakumpiskang armas sa loob ng unang kwarte ng taon.
Sa grupo naman ng Abu Sayyaf sa ZamBaSulTa area, umabot rin sa 49 ang na-neutralized kung saan at 41 dito ang sumuko, lima ang namatay habang dalawa naman ang nahuli at abot sa 37 armas ang nakumpiska.
Ang sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito ang naging dahilan ng patuloy na paghina nito sa pakikipaglaban sa pwersa ng gobyerno.
Nakapagtala rin ng malaking bling ng pagbaba sa mga karahasang sangkot ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dahil na rin sa patuloy na pagsuko ng mga miyembro nito sa military.
Sa unang tatlong buwan ng taon, umabot na sa 109 BIFF personalities ang nagbalik-loob sa gobyerno sa Central Mindanao. Umabot rin sa 107 firearms ang itinurn-over ng mga sumukong indibidwal sa militar.
Humina na rin ang kakayahan ng Daulah Islamiyah na makipagsagupaan sa pwersa ng gobyerno dahil sa pagkaka neutralized ng mg nalalabing miyembro nito.
Ang Daulah Islamiyah ay binubuo ng mga nalalabing miyembro ng Maute, Turaife at Hassan Groups. At sa unang kwarter ng taon, 61 DI personalities ang na-neutralized habang 61 armas naman ang nabawi ng otoridad.
Ani Rosario, ang patuloy na paghina ng pwersa ng mga terror groups na ito ay dahil sa rin sa pakikipagtulungan at suporta ng mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan at ang agarang pagtugon ng mga tropa sa report ng mga sibilyan.
Pahayag ni heneral, hindi umano titigil ang Western Mindanao Command hangga’t patuloy na nagdadala ng kaguluhan sa mga komunidad ang mga teroristang grupo. Hindi umano titigil ang mga kasundaluhan na tugisin ang mga teroristang ito hanggang sa sila ay sumuko at magpasyang magbalik-loob na sa gobyerno.