top of page

WILDLIFE CRIME DRAGNET FORMING TRAINING


Photo Courtesy: MAFAR-BARMM

MAFAR, LUMAHOK SA SOUTHEAST ASIA WILDLIFE CRIME DRAGNET FORMING TRAINING SA PHUKET, THAILAND


Phuket, Thailand - Pinaiigting sa Southeast Asia ang kampanya konta sa illegal trade ng wildlife kung saan isa ang MAFAR sa lumahok sa Wildlife Crime Dragnet Forming training sa Phuket, Thailand.


Nagkasundo ang apatnapung Law Enforcement Officers ng dalawampu’t dalawang agencies mula sa bansang Indonesia, Malaysia at Pilipinas na tuldukan na ang illegal trade ng wildlife sa Southeast Asia.


Ito ang sentrong usapin sa ginanap na Wildlife Crime Dragnet Forming training sa Phuket, Thailand kung saan dumalo ang representante ng MAFAR na si Jamil Umpara na kumatawan din sa bansa bilang miyembro ng Special Investigation Group-TRIPOD.


Binigyang diin ang paghikayat sa publiko na ipagbigay alam sa mga kaukulang ahensiya ang ano mang illegal trade ng wildlife.


Sa Pilipinas, hinihikayat ang publiko na ipagbigay alam sa MAFAR ang ano mang impormasyon hinggil sa pangangaso, pangangalakal, at pagbebenta ng mga pawikan, pangolin, higanteng kabibe, pangil ng elepante, sungay ng rhino, ligaw na ibon, primates, at lahat ng iba pang endangered species sa rehiyon.



4 views0 comments