WORLD FOOD PROGRAM SA BARMM

Photo Courtesy MAFAR BARMM
Nakipagpulong si World Food Programme's Deputy Executive Director for Programme and Policy, Valerie Guarnieri, at Philippine Country Director, Brenda Barton, sa Bangsamoro Food Security Task Force at nagpalitan ng pananaw at kuro-kuro kung paano mabisang masuportahan ng World Food Program ang BARMM Government.
Ang usapin hinggil sa food security at climate change, at pagbisita sa mga World Food Operations kabilang na ang BARMM, ang binigyang diin sa isinagawang pulong ng World Food Program at ng Bangsamoro Food Security Task Force.
Isiangawa ito sa tanggapan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform, araw ng Martes, April 18.
Pinangunahan ito ni MAFAR Minister Mohammad S. Yacob, kasama ang mga kinatawan mula sa MILG, MSSD, MBHTE, MENRE, at BPDA.