top of page

ZAMBOANGA CITY HEALTH OFFICE, NANAWAGAN NG MULING PAGHIHIGPIT SA MGA BORDER CONTROL

Kate Dayawan| iNews | January 6, 2022


Courtesy: City Government of Zamboanga Cotabato City, Philippines - Nais ngayon ng City Health Office ng Zamboanga na muling higpitan ng otoridad ang pagbabantay sa border control ng lungsod.


Ito ay dahil sa banta ng COVID-19 lalo na ang bagong variant nito na Omicron.


Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, kinakailangan na mas lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng minimum public health standard.


Samantala, patuloy naman ang ginagawang panghihikayat ng CHO sa mga kababayan nito na magpabakuna na kontra COVID-19.


Sa ngayon, 70% o katumbas ng 489,068 na ng target population ang fully vaccinated na habang 87% o katumbas ng 602,388 naman mula sa 694,696 target population ang partially inoculated o yung mga nakatanggap pa lamang ng first dose.


As of December 31, 2021, umabot na sa 1,091,456 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok na sa mga residente ng Zamboanga City.

13 views0 comments