ZAMBOANGA CITY LGU, KABILANG SA MGA NAKASAPASA SA 2021 GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING SA REGION 9

Kate Dayawan | iNews | January 5, 2022


Courtesy: City Government of Zamboanga


Cotabato City, Philippines - Pinuri ng Department of Interior and Local Government ang City Government ng Zamboanga dahil sa pagiging tapat, transparent, accountable at maayos na pamamahala nito sa pondo ng publiko.


Isa kasi ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa mga nakapasa sa 2021 Good Financial Housekeeping sa buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula.


Napabilang din sa listahan ang provincial government ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay at maging ang lungsod ng Dapitan, Dipolog, Isabela at Pagadian City.


Ayon sa DILG, ang parangal na ito ay isang integral component ng Seal of Good Local Governance o SGLG at dating kilala bilang Seal of Good Financial Housekeeping.


5 views